Kaasalang Sekswal at Kaalaman sa HIV/AIDS ng mga Estudyante ng Malalinta National High School, Malalinta, San Manuel, IsabelaAbstrak:Isang deskriptibong pag-aaral na naglalahad at nalalaman ng mga kaasalan tungkol sa sexually transmitted infection o STI partikular ang HIV/AIDS kaugnay ng panahon ng pag-unlad sa aspektong pansarili, pang-sekswalidad, at pansosyal. Ginamitan ng pagtatanong-tanong ang pananaliksik na ito sa paghahagilap ng datos sa larangan at sinuri ang mga sagot sa kwalitatibong pamamaraan. Sa mga umpukan isang panahon ng tag-araw, tinanong-tanong ang mga estudyante ng Malalinta National High School at sa piling lugar sa lalawigan ng Malalinta, San Manuel,Isabela tungkol sa kanilang libangan, ligawan, lambingan, pati ang tungkol sa libog. Nabatid na sa may 243 mga binata, binatilyo, dalaga, dalagita't dalaginding ang nananatiling kinatatakutan ang mga sakit kaugnay ng sekswalidad lalo na ang HIV/AIDS; kabilang din ang mga sakit gaya ng tuberculosis o cancer, gayundin iyong may kinalaman sa aspektong sosyal, halimbawa'y bunga ng pandidiri, pag-iwas ng iba sa kanila. Marami sa kanila ang salat ang kaalaman tungkol sa banta ng pagkalat at pagpigil ng HIV/AIDS. Pinatibayan ng mga literaturang naipon ang nananatiling "feminized" at "stigmatized" na pananaw ng mga estudyante lalo na ng mga lalaki sa HIV/AIDS at ang mga nakakabagabag na kanilang pag-uugali kaugnay ng kanilang sekswalidad na maaaring maglagay sa kanila sa tiyak na kapahamakan ng pagkahawa at pagkalat nito. Kahit pa nga marami na ang nalalaman tungkol sa HIV/AIDS laganap pa rin ang maling kabatiran tungkol dito.
SINTESI O BUOD
KAHIRAPAN
KAHIRAPAN
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolutong kahirapan ang kalagayan o katayuan ng tao sa Malalinta ay hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot at magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan. Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa sa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsiyon, ilegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak ng mga propesyonal na pang-edukasyon at pangkalasugan. Ang kahirapan ay dahilan kung bakit tayo ay mahirap pa rin. Ang kahirapan ay isa pa rin sa mga malaking problemang pinagdadaananng ating bansa. Magmula noon, sinisimbolo nito ang kalagayan, nakung saan ito ay nagiging dahilan ng pagbaba ng tingin sa atin ng mgadayuhan sa iba’t-ibang panig ng bansa sa Asya. Epekto ito ng patuloyna paglaki ng ating populasyon, pangungurapsyon ng mga gobyerno,kawalan ng trabaho, kakulangan na pantustus para sa pang-araw-araw na buhay nila.
KATITIKAN
NG PULONG
Republika ng Pilipinas Lalawigan ng Isabela
MALALINTA NATIONAL HIGH SCHOOL CHRISTMAS PARTY
2018
KATITIKAN NG PULONG NG GRADE 11 EINSTIEN NA
GINANAP SA SAN MALALINTA NATIONAL HIGH SCHOOL DEPARTMENT SENIOR HIGH SCHOOL,
BRGY. MALALINTA, SAN MANUEL, LALAWIGAN NG ISABELA NOONG IKA-19 NG DESYEMBRE,
2018
Dumalo:
Sir Hensley
Marquez Adviser
Sir Nelson
Versoza Liberian
Sir Richard
Esguerra Subject
Teacher
11
EINSTEIN
MGA ESTUDYANTE
Ang
pagpupulong ay itinayo ni Sir Hensley Marquez, Adviser,sa ganap na 8:20 ng
umaga. Pinasimulan ito sa pamamagitan ng pambungad na panalangin na
ipinagkaloob ng mag-aaral. Kasunod ng panalangin ay ang pambungad na pananalita
ng pangulo ng classroom na si Janmel Manzano. At nagpatuloy ang pagpupulong sa
pagtatanong ni Sir Hensley Marquez sa mga estudyante sa posibleng mangyayari sa
Christmas Party. Nagkaroon ng botohan sa pagitan ng pitong pagpipilian: (1)
Fried Chicken. (2) Barbeque. (3) Puto. (4) Pancit. (5) Spaghetti. (6) Diket.
(7) Agar-agar.
TALUMPATI
Edukasyon ang Susi sa Tagumpay
Edukasyon,
isa ito sa karapatan ng bawat tao. Bata pa lamang ako ay alam ko na ito ay
pinakamahalagang bahagi ng aking buhay. Bakit nga ba? Mula sa pang-araw-araw kong
gawain ay
kaakibat na ang edukasyon na kung saan parte na ito ng aking pamumuhay. Habang
ako ay lumalaki, nadaragdagan at lumalawak ang akking isipan at kaalaman. Mula
dito, nag-uumpisa
akong
makihalubilo sa ibang tao o kapwa na komakikilala sa paaaralan. Ang aking guro
sa Malalinta National High School ang nagsisilbing pangalawang magulang ko at
mga kamag-aral ay intinutring ko ding mga pamilya.
Malaking
kasiyahan para sa aking mga magulang ang makapagtapos. Kayamanan ito para sa
kanila dahil ito lang ang maipamamana nila sa akin. Ito ay mahalaga dahil dito
nakasalalay ang
kinabukasan
ko at ng bawat tao at para magkaroon ng magandang hinaharap. Hindi hadlang ang
kahirapan para sa pagtatagumpay. Kung mahirap man ako, maraming paraan para
makamit ko ang tagumpay. Kailangan mo lang ipakita ang iyong katatagan,
pagiging maabilidad at pagkakaroon ng lakas ng loob upang makaisip ng paraan
upang akoay makapagtapos ng pagaaral. Ipapakita ko ang pagtitiyaga,
pagsusumikap at pagtitiwala ko sa aking sarili at sa ating Panginoon para
makamit ko ang aking tagumpay.
Sa mundong
ito, hindi ganoon kadaling mamuhay lalo na kung wala kang sapat na kaalaman.
Habang tumatagal, nagiging kumplikado ang lahat. Nagkakaroon ng problemang
hindi madaling solusyunan. Ngunit kung mayroon kang mabisang sandata,
malalampasan mo ito. Pangalawa sa Diyos, Edukasyon ang mabisang panlaban sa
problema at pagsubok.
BIONOTE
Si Jessa Mae p. Gumaru ay pinanganak noong
Nobyembre 12, 2000 sa San Marcelo, Angadanan, Isabela. Siya ay ikatlo sa walong
magkakapatid anak nina Ginang Marites S. Gumaru at Ginoong Jose B. Gumaru Sr.
Si Jessa Mae ay nag-aral sa Malalinta Elementary School simula noong ikatlong
baitan hanggang sa ika apat na baitan. Ngunit ipinag patuloy nya ang kanyang
pag aaral sa Teofilo Gante Elementary School sa Baro, Asingan, Pangasinan
simula noong ika apat na baitan hanggang sa makatapos sya ng elementarya.Dito
rin niya naranasan sumabak sa palarong pambansa sa Palawan ngunit hindi niya
ito ipinagpatuloy dahil sa kanyang sakit sa puso. Kaya ipinagpagtuloy niya na
lang ang kaniyang pag aaral hanggang makatapos ng elementarya. Nagtapos siya
bilang Performance of the year, Cheerleader of the year, Athletic of the year,
Gold Medal at Entertainment of the year sa taong 2013.
Ipinagpatuloy
niya ang kaniyang pag aaral sa sekondarya sa Malalinta Nationa High School sa
Malalinta, San Manuel, Isabela. Noong nasa ikapitong baitan siya naranasan ni
Jessa Mae ang pag bubully ng kaniyang kamag aral pero hindi naging dahilan ito
para hindi niya ipagpatuloy ang kaniyang pag aaral. Ipinagpatuloy niya ang
laban hanggang sa magtapos siya ng Junior High sa taong 2017 na nag uwi ng
Perfect Attendance. Sa kasalukuyan, siya ay nasa ika-12 na baitan na at
nagpupursigeng makapag aral para makapagtapos at maabot niya ang kaniyang mga
pngarap.
Si Jessa
Mae ay Isang Masayahing tao, mabait , lagging tahimik pro mabait. Siya ay nangangarap
na abutin lahat ng gusto kahit alam niya na mahirap kinakaya niya dahil alam
niya dito sa mundo ang sumusuko ang lagging natatalo kaya patuloy siyang
lumalaban anuman ang hamon ng mundo.
No comments:
Post a Comment