Sunday, July 14, 2019

Kaasalang Sekswal at Kaalaman sa HIV/AIDS ng mga Estudyante ng Malalinta National High School

Kaasalang Sekswal at Kaalaman sa HIV/AIDS ng mga Estudyante ng Malalinta National High School, Malalinta, San Manuel, Isabela
Abstrak:
Isang deskriptibong pag-aaral na naglalahad at nalalaman ng mga kaasalan tungkol sa sexually transmitted infection o STI partikular ang HIV/AIDS kaugnay ng panahon ng pag-unlad sa aspektong pansarili, pang-sekswalidad, at pansosyal. Ginamitan ng pagtatanong-tanong ang pananaliksik na ito sa paghahagilap ng datos sa larangan at sinuri ang mga sagot sa kwalitatibong pamamaraan. Sa mga umpukan isang panahon ng tag-araw, tinanong-tanong ang mga estudyante ng Malalinta National High School at sa piling lugar sa lalawigan ng Malalinta, San Manuel,Isabela  tungkol sa kanilang libangan, ligawan, lambingan, pati ang tungkol sa libog. Nabatid na sa may 243 mga binata, binatilyo, dalaga, dalagita't dalaginding ang nananatiling kinatatakutan ang mga sakit kaugnay ng sekswalidad lalo na ang HIV/AIDS; kabilang din ang mga sakit gaya ng tuberculosis o cancer, gayundin iyong may kinalaman sa aspektong sosyal, halimbawa'y bunga ng pandidiri, pag-iwas ng iba sa kanila. Marami sa kanila ang salat ang kaalaman tungkol sa banta ng pagkalat at pagpigil ng HIV/AIDS. Pinatibayan ng mga literaturang naipon ang nananatiling "feminized" at "stigmatized" na pananaw ng mga estudyante lalo na ng mga lalaki sa HIV/AIDS at ang mga nakakabagabag na kanilang pag-uugali kaugnay ng kanilang sekswalidad na maaaring maglagay sa kanila sa tiyak na kapahamakan ng pagkahawa at pagkalat nito. Kahit pa nga marami na ang nalalaman tungkol sa HIV/AIDS laganap pa rin ang maling kabatiran tungkol dito.
SINTESI O BUOD
KAHIRAPAN
 Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolutong kahirapan ang kalagayan o katayuan ng tao sa Malalinta ay hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot at magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan. Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa sa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsiyon, ilegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak ng mga propesyonal na pang-edukasyon at pangkalasugan. Ang kahirapan ay dahilan kung bakit tayo ay mahirap pa rin. Ang kahirapan ay isa pa rin sa mga malaking problemang pinagdadaananng ating bansa. Magmula noon, sinisimbolo nito ang kalagayan, nakung saan ito ay nagiging dahilan ng pagbaba ng tingin sa atin ng mgadayuhan sa iba’t-ibang panig ng bansa sa Asya. Epekto ito ng patuloyna paglaki ng ating populasyon, pangungurapsyon ng mga gobyerno,kawalan ng trabaho, kakulangan na pantustus para sa pang-araw-araw na buhay nila.


KATITIKAN NG PULONG

Republika ng Pilipinas Lalawigan ng Isabela
MALALINTA NATIONAL HIGH SCHOOL CHRISTMAS PARTY 2018
KATITIKAN NG PULONG NG GRADE 11 EINSTIEN NA GINANAP SA SAN MALALINTA NATIONAL HIGH SCHOOL DEPARTMENT SENIOR HIGH SCHOOL, BRGY. MALALINTA, SAN MANUEL, LALAWIGAN NG ISABELA NOONG IKA-19 NG DESYEMBRE, 2018

Dumalo:
Sir Hensley Marquez                        Adviser
Sir Nelson Versoza                         Liberian
Sir Richard Esguerra                       Subject Teacher
11 EINSTEIN                                MGA ESTUDYANTE



Ang pagpupulong ay itinayo ni Sir Hensley Marquez, Adviser,sa ganap na 8:20 ng umaga. Pinasimulan ito sa pamamagitan ng pambungad na panalangin na ipinagkaloob ng mag-aaral. Kasunod ng panalangin ay ang pambungad na pananalita ng pangulo ng classroom na si Janmel Manzano. At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagtatanong ni Sir Hensley Marquez sa mga estudyante sa posibleng mangyayari sa Christmas Party. Nagkaroon ng botohan sa pagitan ng pitong pagpipilian: (1) Fried Chicken. (2) Barbeque. (3) Puto. (4) Pancit. (5) Spaghetti. (6) Diket. (7) Agar-agar.




TALUMPATI
Edukasyon ang Susi sa Tagumpay
Edukasyon, isa ito sa karapatan ng bawat tao. Bata pa lamang ako ay alam ko na ito ay pinakamahalagang bahagi ng aking buhay. Bakit nga ba? Mula sa pang-araw-araw kong
gawain ay kaakibat na ang edukasyon na kung saan parte na ito ng aking pamumuhay. Habang ako ay lumalaki, nadaragdagan at lumalawak ang akking isipan at kaalaman. Mula dito, nag-uumpisa
akong makihalubilo sa ibang tao o kapwa na komakikilala sa paaaralan. Ang aking guro sa Malalinta National High School ang nagsisilbing pangalawang magulang ko at mga kamag-aral ay intinutring ko ding mga pamilya.
Malaking kasiyahan para sa aking mga magulang ang makapagtapos. Kayamanan ito para sa kanila dahil ito lang ang maipamamana nila sa akin. Ito ay mahalaga dahil dito nakasalalay ang
kinabukasan ko at ng bawat tao at para magkaroon ng magandang hinaharap. Hindi hadlang ang kahirapan para sa pagtatagumpay. Kung mahirap man ako, maraming paraan para makamit ko ang tagumpay. Kailangan mo lang ipakita ang iyong katatagan, pagiging maabilidad at pagkakaroon ng lakas ng loob upang makaisip ng paraan upang akoay makapagtapos ng pagaaral. Ipapakita ko ang pagtitiyaga, pagsusumikap at pagtitiwala ko sa aking sarili at sa ating Panginoon para makamit ko ang aking tagumpay.


Sa mundong ito, hindi ganoon kadaling mamuhay lalo na kung wala kang sapat na kaalaman. Habang tumatagal, nagiging kumplikado ang lahat. Nagkakaroon ng problemang hindi madaling solusyunan. Ngunit kung mayroon kang mabisang sandata, malalampasan mo ito. Pangalawa sa Diyos, Edukasyon ang mabisang panlaban sa problema at pagsubok.





BIONOTE
         
Image may contain: 1 personSi Jessa Mae p. Gumaru ay pinanganak noong Nobyembre 12, 2000 sa San Marcelo, Angadanan, Isabela. Siya ay ikatlo sa walong magkakapatid anak nina Ginang Marites S. Gumaru at Ginoong Jose B. Gumaru Sr. Si Jessa Mae ay nag-aral sa Malalinta Elementary School simula noong ikatlong baitan hanggang sa ika apat na baitan. Ngunit ipinag patuloy nya ang kanyang pag aaral sa Teofilo Gante Elementary School sa Baro, Asingan, Pangasinan simula noong ika apat na baitan hanggang sa makatapos sya ng elementarya.Dito rin niya naranasan sumabak sa palarong pambansa sa Palawan ngunit hindi niya ito ipinagpatuloy dahil sa kanyang sakit sa puso. Kaya ipinagpagtuloy niya na lang ang kaniyang pag aaral hanggang makatapos ng elementarya. Nagtapos siya bilang Performance of the year, Cheerleader of the year, Athletic of the year, Gold Medal at Entertainment of the year sa taong 2013.
Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag aaral sa sekondarya sa Malalinta Nationa High School sa Malalinta, San Manuel, Isabela. Noong nasa ikapitong baitan siya naranasan ni Jessa Mae ang pag bubully ng kaniyang kamag aral pero hindi naging dahilan ito para hindi niya ipagpatuloy ang kaniyang pag aaral. Ipinagpatuloy niya ang laban hanggang sa magtapos siya ng Junior High sa taong 2017 na nag uwi ng Perfect Attendance. Sa kasalukuyan, siya ay nasa ika-12 na baitan na at nagpupursigeng makapag aral para makapagtapos at maabot niya ang kaniyang mga pngarap.
Si Jessa Mae ay Isang Masayahing tao, mabait , lagging tahimik pro mabait. Siya ay nangangarap na abutin lahat ng gusto kahit alam niya na mahirap kinakaya niya dahil alam niya dito sa mundo ang sumusuko ang lagging natatalo kaya patuloy siyang lumalaban anuman ang hamon ng mundo.


ADYENDA


 









Kaasalang Sekswal at Kaalaman sa HIV/AIDS ng mga Estudyante ng Malalinta National High School

Kaasalang Sekswal at Kaalaman sa HIV/AIDS ng mga Estudyante ng Malalinta National High School, Malalinta, San Manuel, Isabela Abstrak: ...